Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao delivered this speech after her taking her oath of office, which was administered by Senator Risa Hontiveros, on July 3, 2016 in the Municipality of Cagdianao.
Mga minahal kong mga Dinagatnon, mga panauhin at mga kasama sa pamahalaan at sa civil society, magandang umaga po sa inyong lahat.
Unang-una una nais ko pang magpasalamat sa bawat isa sa inyo sa inyong pagbibigay ng panahon para samahan kami sa araw na ito. Sinimulan ko po dito sa Dinagat ang tradisyon ng aking panunumpa sa katungkulan sa aking kaarawan. Ito po ay sadya dahil nais ko pong ipaalala sa aking sarili taun-taon ang aking panunumpa na manilbihan sa kapwa at sa bayan ng buong katapatan. Nais ko pong ipaalala sa sarili ko na ang aking panunungkulan ay hindi lamang simpleng trabaho kung hindi ito ay isang misyong panghabambuhay. Kaya po ako ay lubusang nagpapasalamat sa inyong pagsaksi sa araw na ito sa aking muling pagtataya sa isang habambuhay na paglalakbay.
Mao na kini ang sinugdanan sa ika-pito nakong tuig isip public servant ug isip usa ka kongresista. Mao na usab kina ang akong ika-duhang termino isip Representante sa Lone District of Dinagat Islands ug ang ika-tulo ug katapusan nakong termino isip Kongresista.
[Ito na po ang simula ng ika-pito kong taon bilang isang lingkod-bayan at bilang isang kongresista. Ito na rin po ang simula nga aking pangalawang termino bilang kinatawan ng Lone District of Dinagat Islands at ang pangatlo at panghuli kong termino bilang Kongresista.]
Naging makulay ang nakaraang mahigit na tatlong taon nating paninilbihan sa distrito ng Dinagat Islands. Marami tayong nasimulan. Marami tayong natapos. Marami tayong ipagpapatuloy.
Sa atong paglantaw, ang pinakadakong kontribusyon nato sa mga Dinagatnon sa nilabay nga tulo ka tuig mao nga atong napamatud-an nga posible diay ang malapad nga pagbag-o ug posible ang kalambuan dinhi sa atong pinangga nga isla. Posible diay ang magdamgo ug taas ug posible usab makab-ot ang atong mga yanong mga damgo.
[Sa tingin natin, ang pinakamalaking kontribusyon natin sa mga Dinagatnons nitong nakaraang tatlong taon ay iyong napatunayan natin na posible pala ang malawakang pagbabago at posible ang kaunlaran dito sa ating minahal na isla. Posible palang mangarap ng matayog at posible palang matupad ang ating mga simpleng pangarap.]
Sa pagkilos natin nitong nakaraang tatlong taon, hindi tayo nag-iisa. Kaya gusto ko pong kunin ang pagkakataon na ito upang magpasalamat.
Unang-una, nais kong magpasalamat sa ating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mahigpit na suporta sa lahat ng ating mga kinilusan dito sa Dinagat. Naging mabilis at malawak ang mga proyektong pangkaunlaran dito sa atin dahil sa suportang ito. Higit sa suportang binigay nya sa ating mga proyekto at programa dito sa probinsya, gusto kong pasalamatan ang Pangulong Noynoy sa kanyang pagtataya para sa isang malinis na pamahalaan na handang magbigay ng pagpapahalaga sa mga maliliit na lalawigan kagaya natin. Ika nga – walang maliit, lahat mahalaga.
Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng mga Regional Directors ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na nagbigay ng karampatang atensyon sa ating lalawigan. Salamat po at tinulungan ninyo kaming dahan-dahang ilagay ang probinsya ng Dinagat sa mapa ng ating bansa at ng ating pamahalaan.
Gusto nako hatagan ug pag-ila ang atong mga opisyales sa lokal nga pangagamhanan, hilabi na sa atomg mga mayor – Mayor Nena Ladaga sa Loreto, Mayor Constatino Vargas at Vice-Mayor Fely Pedrablanca sa Tubajon, Mayor Sonny Llamera sa Libjo, Mayor Craig Ecleo sa Dinagat at Mayor Marc Longos sa Cagdianao. Nahimong lig-on ang akong kabubut-on nga mangahas nga sugdan ang lain-laing mga proyekto dinhi sa Dinagat tungod sa inyong giya, suporta ug inspirasyon.
[Gusto ko ring bigyan ng recognition ang ating mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga mayors – Mayor Nena Ladaga ng Loreto, Mayor Constatino Vargas at Vice-Mayor Fely Pedrablanca ng Tubajon, Mayor Sonny Llamera ng Libjo, Mayor Craig Ecleo ng Dinagat at Mayor Marc Longos ng Cagdianao. Naging malakas ang loob kong mangahas na simulan ang mga ibat-ibang proyekto dito sa Dinagat dahil sa inyong gabay, suporta at inspirasyon.]
Dili nako mahikalimtan ang mga kapitan sa atong mga barangay. Sa inyong kanunay nga pagsiging-siging, sa inyong pasensya ug pagsalig, sa atong panaghigalaay. Dili na mo nako isa-isahon kay nakahibalo na man kamo kung kinsa kamo. Salamat sa pag-abag kanako sa paghatag ug boses sa inyong mga lumulupyo, sa pagtumbok sa ilang mga panginahanglan.
[Hindi ko makakalimutan ang mga kapitan ng ating mga barangays. Sa inyong pangungulit, sa inyong pasensya at pagtitiwala, sa inyong friendship. Hindi ko na po kayo isa-isahin dahil alam nyo naman po kung sino kayo. Salamat sa pagtulong sa akin sa pagbibigay ng boses ng inyong mga mamamayan, sa pagtukoy sa kanilang mga pangangailangan.]
Daghang salamat usab sa mga yanong mga lumulupyo sa Dinagat Islands nga wala mapura sa pag-uban kanako ug sa sa pag-istorya kanako sa mga kwento sa tinood nga kinabuhi. Sa inyo nagagikan ang kahait sa atong pagtumbok sa mga kinahanglang himoon sa atong lalawigan. Dili na pud nako kamo usa-usahon kay deghan kamo kaayo.
[Maraming salamat din sa mga ordinaryong mamamayan ng Dinagat na hindi nagsasawang samahan at kwentuhan ako ng mga kwento ng tunay na buhay. Sa inyo po nanggagaling ang talas na ating pagtukoy ng mga dapat gawin sa lalawigan natin. Hindi ko rin po kayo isa-isahin dahil mas marami po kayo.]
Sa mga kasamahan ko sa Liberal Party at sa partidong Akbayan, salamat sa pagbibigay sa akin ng tahanan sa loob ng kongreso. Naging buo ang loob ko dahil kasama ko kayo, nag-aakay, gumagabay, dumadamay (paminsan-minsan naman ay nandadamay). Maraming salamat po.
Gusto pud nako kuhaon kining higayon aron pasalamatan kamo sa inyong suporta kanako sa niaging eleksyon. Salamat sa inyong pagkupkop sa atong pagtuo nga kaya natong modaug base lamang sa atong track record ug serbisyo ug sa pagsalig nga dili mapalit ang boto sa mga Dinagatnon. Sama sa giingon kanako sa taga pikas partido – “Gihimo na namo ang tanan, gidoble na namo ang among mga gihimo apan kamo pa gihapon ang nagmadaugon.”
[Gusto ko rin pong kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan po kayo sa inyong suporta nitong nakaraan eleksyon. Salamat sa inyong pagkapit sa ating paniniwalang kaya nating manalo sa pamamagitan lamang ng ating track record at serbisyo at sa paniniwalang hindi nabibili ang boto ng mga Dinagatnon. Sabi nga sa akin ng isang mataas na opisyal ng kabilang partido –“Ginawa na namin ang lahat, dinoble namin lahat ng aming ginawa, kayo pa rin ang nanalo.”]
Aaminin ko, hindi naging madali ang nakaraang eleksyon. Maliban sa kinailangan kong magpahinga for health reasons, naging doble nga ang dumi at init ng eleksyon. Sa kabila nitong lahat, nanaig tayo. Mula Loreto, Tubajon, Libjo, Dinagat, at Cagdianao, nanaig tayo. Hindi lang ako, hindi lang ang mga dati nating kasama sa LGUs, may mga bago pa.
Sa Dinagat, Vice-Mayor na si Petnel Sombrado at kasama nya ang lima pang mga Sangguniang Bayan members. Ang dating imposible, ginawa nating posible. Ang dating partial and unofficial Vice Mayor ni Mayor Craig Ecleo ay totoong Vice-Mayor na.
Sa Sangguniang Panlalawigan, dalawa na ang ating kasama – si Honorable Noli Abis at si Honorable Men Vargas. Ang dating isa naging dalawa – 100% increase di po ba? Gagawin po nating 150% increase yan bago matapos ang Agosto, dadagdagan natin ng isa pa.
Sabi nila, wala na tayong magagawa dahil hindi ko kapartido ang ating Pangulo sa loob ng anim na taon. Sabi nila, wala na tayong kakampi sa gobiyerno, hihina na tayo.
Nakalimutan na ba nila na si Leni Robredo, ang kasama nating kampeon ng mga nasa laylayan ng lipunan, ang ating Pangalawang Pangulo?
Hindi ba nila nabalitaan na si Risa Hontiveros ng Partidong Akbayan ay Senadora na sa wakas? Hindi ba nila alam na taga-Caraga ang Kongresista ng Partidong Akbayan na si Congressman Tom Villarin ng Surigao del Sur?
Hindi man tayo ang nasa Administrasyon, hindi tayo mauubusan ng kakampi sa loob ng pamahalaan.
Hindi ko man kapartido si Pangulong Rody Duterte, huwag nating kalimutan na sya ay kapwa natin Mindanawon at ang Dinagat ay nasa Mindanao. Naniniwala akong hindi papabayaan ng administrasyong ito ang isla at mga mamamayan ng Dinagat.
At huwag natin kalimutan, ang ating lakas ay nanggagaling sa ating pananalig at pagtataya para sa pagbabago. Sabi nga natin: We live by our dreams, we are fueled by our passion for change, adversity does not weaken us, it makes us stronger and more committed.
Ito na po ang huli kong termino bilang kogresista. Samahan nyo po ako, pinapangako kong kakayod tayo na parang ito ang ating unang termino – sa gigil para sa pagbabago, sa sipag at enerhiya sa ating pagkilos. Samahan nyo ako at ipapangako ko na sa aking huling termino tayo ay kakayod na ubos-lakas, itataya natin ang lahat na parang wala nang bukas. Ito na ang huli kong termino, samahan nyo ako, hindi tayo titigil dito.
Daghang salamat.
No comments:
Post a Comment