Bago pa man ako naging isang Kongresista noong 2010, ako ay isang alternative lawyer at community organizer—ako po ay isang abugadong nakikisalamuha sa mga batayang sektor upang makita nila na sila ay may kapangyarihang gamitin ang batas upang maipagtanggol ang kanilang karapatan at kapakanan.
Sa mga gawain ko noon, at bilang isang taga-Mindanao, nakadaupang-palad ko ang tri-people ng aming lupain—ang mga settler, ang mga Lumad, at ang mga Moro.
Dahil sa mga karanasan ko kasama nila, napagtanto kong mahirap isakatuparan ang layuning magtanggol ng karapatan kung walang pagkilala sa kapwa. Kinakailangan na kinikilala muna natin ang isa’t isa upang makabuo ng pag-unawa. Kapag nabuo natin ang pag-unawa, mas umiigting ang pagkakataong magbuklod upang makakilos tungo sa ating mga kolektibong adhikain. Pagkakakilanlan ang isang mahalagang bahagi ng pag-unlad at paglaban para sa isa’t isa.
Ito rin ay mas napagtibay pa sa aking puso’t isipan noong ako ay nag-facilitate ng pagbubuo ng executive-legislative agenda ng humigit-kumulang 70 bayan sa Mindanao, kasama na ang ARMM
Madam Speaker, I rise today on a matter of personal and collective privilege.
Since 2013, every February 1 of every year is World Hijab Day, observed in different countries to raise awareness primarily on the significance of the Hijab, or the veil used by our Muslim sisters. On that day, non-Hijabis, Muslims and non-Muslims are invited to wear the Hijab and be a Hijabi for a day. Founded by Nazma Khan, the World Hijab Day is a story of persecution turned into inspiration—the story of an 11 year old girl from Bangladesh, uprooted from her home, finding herself a minority in a New York neighborhood, the only girl wearing a Hijab at school. She turned her negative experience of discrimination and harassment into an opportunity to invite understanding, tolerance, and friendships.
As principal author of a measure that seeks to protect all persons from all forms of discrimination, this representation finds no better occasion than this month of the World Hijab Day, to rise and join not just our Muslim sisters, but all sectors and individuals of various genders, cultures, faiths, ages, social statuses—those who continue to be victims of discrimination in this day and age.
Ang Hijab ay hindi na lamang po simbolo ng Islam at ng ating mga kapatid na Muslim. Ang iba’t ibang kwento ng mga Hijabi o mga babaeng nagsusuot nito, ay kwento ng kahit na sinong biktima ng diskriminasyon dahil sa kanyang anyo, sa kanyang lahi o paniniwala, kultura, at pananampalataya. At katulad ng lahat ng uri ng diskriminasyon, ito ay nag-uugat sa kakulangan ng edukasyon, maling impormasyon, simpleng takot, o, kagaya nga ng nabanggit ko sa simula, ang kawalan ng oportunidad na kilalanin ang bawat isa.
Mula pa po noong ako ay isang community organizer, hanggang sa naging miyembro ng Kamarang ito, patuloy po akong nakikisalamuha sa mga batayang sektor ng lipunan, kasama na ang ating mga kapatid na Moro.
Ako ay nagkaroon muli ng pagkakataong ito kamakailan lang, nang ako ay pumunta sa Basilan, hindi bilang Kongresista o abugado o anuman, kundi isang ordinaryong kapatid na nais silang makilala. Nakiluto po ako sa kanilang kusina, nakipagkwentuhan sa ilalim ng puno ng mangga habang umaalingawngaw ang Adhan o ang kanilang call to prayer. Tinuruan din nila akong magdasal sa kanilang masjid o mosque. Namalengke ako sa kanilang public market at nakipagtalakayan sa mga nagbebenta ng isda at gulay.
This experience taught me two things: one, that we have so much in common. Second, whatever differences we have, makes us even more beautiful to each other. And I think this is what we must learn from the World Hijab Day, to be in someone else’s shoes, to live someone else’s life, for it is only by experience that one can truly understand.
The Hijab may be a simple cloth but it is a symbol of so many things. First, of being a woman. For many who do not understand, it is seen as a symbol of oppression, of women without rights, who allow themselves to be suppressed and subjugated. Our Muslim sisters struggle to get out of this stereotype as they continuously prove that wearing the Hijab never stopped or stops them from pursuing their dreams, from performing their chosen roles at home and in the society, from demanding for and exercising their rights.
The Hijab has also become a symbol of religious and cultural discrimination. As Islamophobia continues to rise in certain countries, the right to wear the Hijab becomes the first casualty, our Muslim sisters becoming the most vulnerable to discrimination, harassment, and even hate crimes. We have even heard of countries banning the wearing of Hijab.
As advocates against discrimination, this becomes our own cause.
Pangatlo, bilang isang simbolo ng pananampalataya, ang ating kamalayan tungkol sa Hijab ay kasing lalim o kasing babaw din po ng ating pag-unawa sa relihiyong kinakatawan nito, ang Islam. Hindi po ako eksperto sa usaping ito. Ngunit bilang isang Pilipino na may mga kapwa Pilipinong sumusunod dito, tingin ko po tungkulin nating alamin ang Islam at kilalanin ang Pilipinong Muslim. Kasama na rin po ang mga Katutubong Pilipino. Kasama po ito—mahalagang bahagi ito—ng pagkilala natin sa ating sarili. Sana, ay magbigay daan ang araw na ito, hindi lamang sa pagkakaisa, kundi sa pagkakapantay-pantay nating lahat. Equality knows no religion or culture or conviction.
At kasabay ng paglaban para sa pagkakapantay-pantay, kasama na rin dito ang paggiit sa pagkakakilanlan natin. Paano natin ipaglalaban ang karapatan at kapakanan ng Pilipino kung ‘di natin siya kilala? At paano natin mas ganap na magagawa ito kung hindi nating makita na ang Moro ay malaking bahagi ng Pilipino?
Buksan natin ang ating mga mata. Tingnan natin ang bawat isa. Kilalanin natin ang bawat isa.
Ngayon, Madam Speaker, nais kong mag-abot ng aking taus-pusong pasasalamat sa ating kasamahan sa napakaraming laban dito sa Kongreso—si Congresswoman Sitti Djalia Turabin-Hataman ng Anak Mindanao Party-List—para sa pagbibigay sa aking ng panibagong pagkakataon para matuto pa lalo at muling mabuhayan ng inspirasyon para sa aking adhikain ng pagkakakilanlan.
Maraming salamat po, Madam Speaker. Magsukol sa inyong tanan!
No comments:
Post a Comment