Delivered after the voting on Third and Final Reading, 07 March 2017.
Mr. Speaker, my dear colleagues—I vote NO to the proposal to reinstate the death penalty based on our fundamental values anchored on social justice and human rights and dignity.
Ang urong-sulong na pagtanggal ng mga krimen na nasasakop sa parusang bitay, tulad ng rape, plunder, at murder, ay indikasyon na wala talagang sapat na pamantayan para sa “compelling reason” at “heinousness” na isanasaad na kondisyon ng Korte Suprema para sa pagbalik ng parusang bitay. Ang pamantayan lang ngayon ay kung ano ang utos ng mayorya.
Ang pagboto ng "oo" sa parusang bitay ay ang pagsang-ayon na mamatay ang mahihirap at ang mga hirap maabot ang tulong panligal.
Ang pagboto ng "oo" sa parusang bitay ay katumbas ng pagdiin sa kamatayan sa mga OFW na nasa death row.
Ang pagboto ng "oo" sa parusang bitay ay pagsabi na pwede nating talikuran ang mga kasunduan natin kasama ang ibang bansa, na katumbas din ng ating mga batas dito sa Pilipinas.
Extrajudicial o judicial man 'yan, ang pagpatay ay pagpatay.
Tungkulin natin sa Kongresong ito na pangalagaan ang ating mga mamamayan at isulong ang katarungan. Kung nakikita nating may problema sa sistema, maghanap tayo ng paraan upang maayos ito nang hindi sumasagasa sa karapatan at dignidad ng tao.
Muli, Mr. Speaker, mga kasama—ang boto ko ay NO TO THE REIMPOSITION DEATH PENALTY.
No comments:
Post a Comment